NAKIISA ang mga senador at ilang artista sa Multi-Purpose hall ng Camp Bagong Diwa sa Taguig para makiramay sa pamilya ng 42 miyembro ng Special Action Force ng PNP na napatay sa engkwentro sa Maguindanao.
Kabilang sa mga senador na namataan sa lugar ay sina Senators Alan Peter Cayetano at kapatid na si Pia Cayetano, Antonio Trillanes IV, Ralph Recto at maging si Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.
Namataan din doon ang kapatid ng Pangulo na si Kris Aquino.
Maalalang kagabi ay mahigit tatlong oras bago nailagak ang 42 bangkay sa Multi-Purpose hall.
Alas-9:00 nang dumating ang unang bangkay kasama ang mga color guards ng Philippine National Police Academy (PNPA).
Mag-aala-1:00 na ng madaling-araw nang nakarating ang huling bangkay.
Sumalubong sa lugar ang pamilya ng mga namatay na pulis.
Kasama sa mga pumunta sa Camp Bagong Diwa ang mga Criminology students sa iba’t ibang paaralan para makiramay sa pamilya ng mga biktima.
Samantala, bandang alas-9:00 ngayong umaga nakatakdang pumunta ang Pangulong Benigno Aquino III sa lugar upang pangunahan ang necrological services para sa mga itinuturing na bayani ng bansa.
Maalalang kahapon ay hindi pumunta ang Pangulo sa Villamor Air Base para salubungin ang mga namatay na pulis dahil dumalo ito sa inagurasyon ng isang planta ng sasakyan sa Laguna.
Umani ito ng samu’t saring reaksyon sa mga netizens na sinabing insensitive leader ang Pangulong Aquino.
Usap-usapan din sa buong bansa maging sa buong mundo makaraang mag-trending ang #NasaanAngPangulo.
Todo-depensa ang Malakanyang dahil wala umano sa schedule ng Pangulo ang pumunta sa Villamor Air Base para salubungin ang mga biktima. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment