Friday, January 30, 2015

Pagdaan ng mga truck sa Roxas Blvd., 2 linggo lang — MMDA

BINIGYAN ng dalawang linggong pahintulot ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga truck na dumaan sa kahabaan ng Roxas Blvd. na magsisimula sa Lunes (Pebrero 2).


Ang naturang pahayag ay isinapubliko matapos lagdaan ni MMDA Chairman Francis Tolentino ang isang memorandum circular na nagbibigay pahintulot sa mga trucks na gamitin o dumaan sa kahaban ng Roxas Blvd. simula sa Lunes, mula alas-12:00 ng hatinggabi hanggang alas-5:00 ng madaling-araw.


Nilinaw ni Tolentino na epektibo lamang ng dalawang linggo ang naturang pagpapahintulot sa mga truck na dumaan sa Roxas Blvd. na magsisimula sa Pebrero 2 hanggang Pebrero 15 ng taong kasalukuyan.


Dagdag pa ni Tolentino, hindi ipapatupad sa umaga ng Pebrero 7 at 14 dahil inaasahang makadagdag ito sa matinding trapik dahil weekends.


Paniwala ni Tolentino na ang naturang hakbang ay makatutulong sa pamahalan na tuluyan nang malutas ang problema ng port congestion.


Ayon pa kay Tolentino, pagkatapos nito ay nakatakda ng isailalim sa rehabilitasyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang Roxas Blvd. bilang preparasyon na rin sa idadaos ng APEC summit sa darating na Nobyembre.


Matatandaan na noong Disyembre ng nakaraang taon ay nagpatupad ng bagong truck regulation ang MMDA sa kabahaan ng Roxas Blvd. bilang bahagi ng paghahanda sa pista ng Poong Nazareno at sa Papal visit. JAY REYES


.. Continue: Remate.ph (source)



Pagdaan ng mga truck sa Roxas Blvd., 2 linggo lang — MMDA


No comments:

Post a Comment