UMIINIT ang ulo ni Deedee (Jessa Zaragoza) dahil halos sa kanila na nakatira si Roger at panay pa ang pangingialam nito sa bahay nila. Naiskandalo pa siya dahil nahuli niya ang dalawa na nagsa-shower nang sabay. Para matigil na si Deedee, napag-usapan nina Mimi at Roger na magpakasal na. Excited ang lahat, nagpa-Despedida de Soltera pa nga sina Elsa (Manilyn Reynes) at si Pepito ay (Michael V.) ninong pa.
Pero kahit mabilis na naayos ang mga kailangan para sa kasalan, tuloy pa rin ang tampuhan ng mag-ina. Ang wedding of the year, matuloy naman kaya?
XYRUS CRUZ, SUSUNOD NA BA SA YAPAK NG IBANG TALENT NI DIREK MARYO J?
Hinog na ang 20-year old actor-singer na si Xyrus Cruz para bigyan ng big break ngayong 2015.
Sa mga punung-punong potential na young actor na talent ni direk Maryo J delos Reyes sa Production 56, si Xyrus ang may pinakamalaking tiyansang sumikat ngayong taon. Nabigyan na direk Maryo J ang talent niyang sina Miguel Tanfelix at Ruru Madrid na mag-shine ang career noong 2013 at 2014 sa mga programa nila sa GMA 7 at pelikulang Bamboo Flowers (Ruru). Si Miguel ay bida ngayon sa Once Upon A Kiss, ka-loveteam si Bianca Umali.
Ang Once Upon A Kiss ay lumalaban ngayon bilang isa sa top ratings program ng Kapuso network sa evening primetime. Pumapalo nang husto ang ratings sa Mega Manila at Urban Luzon.
Si Xyrus ay introducing sa Bamboo Flowers (2013) at nakalabas na rin ng ilang beses sa Magpakailanman na leading man ni Katrina Halili. Lumabas rin si Xyrus bilang lover ni Giselle Toengi sa soap ng GMA na Paraiso Ko’y Ikaw last year.
May balak si Direk Maryo J na i-remake ang top grosser niyang sexy-drama movie na Laman na produced noon ng Regal Films. Bida rito sina Lolita de Leon, Yul Servo, Albert Martinez at Elizabeth Oropesa. Gusto ni Maryo J na lumabas si Xyrus bilang si Albert at si Katrina ang lalabas sa role ni La Oropesa. Di pa nakapipili para sa role nina Lolita at Yul.
Si Xyrus bago nag-artista ay kasama sa martial arts sport na Karatedo ng Philippine team. Nang ipinadala siya ng Pilipinas sa South Korea at Hong Kong ay nakapagbigay siya ng medalya sa bansa. Pero mas pinili ni Xyrus ngayon ang daigdig ng showbiz na matagal na niyang pangarap noon na maabot ang pagiging sikat na actor.
Kumakanta rin si Xyrus at paborito siya ni Maryo J na ipadala sa mga beauty contest pageant para mag-serenade sa mga beauty contestants. Recently siyang nag-serenade ay sa Miss Alicia, Bohol 2015. ON THE SET/NOEL ASINAS
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment