Thursday, January 29, 2015

GULPI DE GULAT

PILIT na inunawa ni Manila Mayor Joseph Estrada ang mga empleyadong pawang hindi nagsipasok noong Enero 21 taong kasalukuyan, ang araw na lumabas ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa disqualification case na isinampa ng katunggali nitong si dating Mayor Alfredo Lim.


May mga bulong at sulsol sa “Ama ng Maynila” na walisin sa city hall ang mga empleyadong patuloy na naniniwala na hindi siya dapat maluklok sa puwesto.


Subalit sa halip na pakinggan ang mga sulsultant niya, sinabi ni Mayor Erap na hindi niya sisibakin ang mga ito sa puwesto dahil kailangan ng mga ito ang may ipakain sa kanilang pamilya.


“Pusong mamon” pa rin ang umiiral sa alkalde. Subalit nagbigay siya ng babala sa mga empleyadong hindi makikipagtulungan sa kanya.


Kailangang ipakita talaga ni Mayor Estrada ang “gulpi de gulat” upang matauhan ang mga empleyado na patuloy na nagmamatigas na kilalanin siya bilang alkalde ng Maynila.


Kung hindi kayang kilalanin ng mga empleyadong ito, ang ilan pa nga ay may matataas na puwesto, dapat ay lisanin na nila ang Manila City Hall at humanap na lang sila ng kanilang bagong amo.


Ipalasap naman sana ni Mayor Estrada sa mga pasaway na bagaman siya ay may pusong mamon, kaya rin niyang gumamit ng “aserong kamao.”


Tulad ng “ama ng Maynila,” kailangang gumamit din ng “gulpi de gulat” itong si Manila Police District Acting Director Sr. Supt. Rolando Nana sapagkat tila masyadong nababaitan sa kanya ang commander ng Malate Police Station na si Supt. Romeo Odrada.


Hindi pinakikinggan ni Odrada ang pakisuyo (hindi nga utos) ng kanyang boss na si Col. Nana at sa halip ay mas pinapanigan niya ang kanyang mga tauhang balasubas at magaling gumawa ng pera.


Maging ang Manila City Hall ay hindi natutuwa sa performance ni Odrada sapagkat masyadong passive na iniaasa na lang sa kanyang mga tauhan ang pagpapatakbo ng kanilang istasyon.


Aba’y kung ganito ang ginagawa nitong si Odrada ay dapat bigyang “sample” nitong si Dee-dee ng kanyang pangil.


Hindi naman pwedeng binabalewala lang ni Odrada ang kanyang pakisuyo matapos mabatid ng mataas na opisyal na maling-mali ang mga pinaggagagawa ng mga tauhan ng nasabing station commander. PAKUROT/LEA BOTONES


.. Continue: Remate.ph (source)



GULPI DE GULAT


No comments:

Post a Comment