KAWALAN umano ng respeto sa napatay na 44 miyembro ng PNP-Special Action ang hindi pagsipot ni Pangulong Aquino sa arrival honor na isinagawa sa Villamor Air Base.
Dahil dito, hindi napigilan ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon na kwestyunin si Pangulong Aquino kung bakit ito sumipot sa inauguration ng planta ng Mistsubishi sa Laguna kaysa salubungin ang mga bangkay ng nasabing mga pulis at makiramay sa mga kaanak nito.
Dumalo sa arrival honor ang ilang gabinete kasama sina Senador Bongbong Marcos, ina na si dating First Lady at ngayon ay Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos at Pangasinan Rep. Leopoldo Bataoil.
Nagbabala pa ang mambabatas na hindi na aniya mapipigilan ng pangulo ang higit na galit ng publiko sa ginawa nitong pagpapadala sa mga miyembro ng SAF sa operasyon na sa huli ay itinatwa din nito at naghugas kamay pa sa anomang responsibilidad.
“President Aquino’s absence in the arrival honor ceremony for the fallen SAF men speaks volumes of the president’s lack of basic respect for his servicemen,” giit ni Ridon.
Inihalintulad naman ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate si Pangulong Aquino kay Poncio Pilato sa kanyang pagharap sa telebisyon kaugnay ng Mamasapano encounter.
Ani Zarate, naghugas-kamay lamang si PNoy at iwas-pusoy sa pananagutan nito sa malagim na sinapit ng 44 na kapulisan.
Aniya, masyado pang malayo ang Semana Santa pero nag-aala Poncio Pilato na ito.
Ngunit kumabig din ito sa pagsasabing hindi na nakapagtataka ang paghuhugas-kamay ng pangulo dahil ugali naman nitong isisi sa iba sa halip na akuin ang responsibilidad sa insidente. MELIZA MALUNTAG
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment