BUONG ningning na inamin ni Empress Shuck na naging mag-MU sila ni Joseph Marco. Napilitang sagutin ni Empress dahil sa pangungulit sa kanya kung may naiwanan ba siya sa Kapamilya network.
Hindi raw nauwi sa seryosohan dahil may kanya-kanya silang priority.
Anyway, balik-Kapuso si Empress at unang proyekto niya ang bagong serye na Kailan Ba Tama Ang Mali? kasama sina Geoff Eigenmann, Max Collins at Dion Ignacio na magsisimula sa Feb. 9.
Last year ay hindi na siya ni-renew ng ABS-CBN at wala na ring binibigay na proyekto sa kanya.
“Magda-dalawang taon na akong walang show, so ayun, si Tita Becky (Aguila manager niya), sabi niya, why not daw na subukan dito, so ayun. Lumipat ako last December and nag-taping na ako agad.
“Nagpaalam kami nang maayos (sa ABS-CBN), tinanong namin kung okay sa kanila, at sabi nila okay lang daw, so siguro, ‘yun na talaga ‘yung sign. Sila na mismo ‘yung nagsabi na okay lang. Eh di okay po. Mas maganda na may approval talaga nila,” bulalas ni Empress.
Aminado siyang sobrang nasaktan siya sa hindi pagre-renew sa kanya at hindi pagbibigay ng project pero siyempre, wala naman daw siyang magagawa kundi tanggapin at mag-move-on.
Nang sabihin daw sa kanya ng manager na may offer ang GMA-7 ay parang nabuhayan siya ng loob at mas lalo siyang natuwa nang bigyan siya ng ganito kalaking proyekto.
Sa Kailan Ba Tama ang Mali ay tomodo na si Empress. First time niyang magkaroon ng bed scenes at intense kissing scenes na hindi raw niya ginawa sa ABS-CBN.
“Dati kasi, hindi talaga ako pumapayag sa ganu’n kasi bata pa talaga ako. Eh, ngayon, magtu-22 na ako, so I think naman, it’s about time,” sambit pa niya.
-0o0-
Inamin ni Jake Vargas na nabawasan sila sa Master Showman dahil sa pagkakasakit ni Kuya Germs. 40 na lang daw sila ngayon sa show. The show must go on pa rin kahit ganoon ang nangyayari habang nagpapalakas si Kuya Germs.
“Siyempre, nakakaawa, eh ‘yung iba ang gusto lang naman exposure sa TV, gusto nilang sumikat kaya ako kapag nandoon ako sa Walang Tulugan, hinahayaan ko lang sila para magkaroon ng exposure kahit papaano…eh, ako matagal na rin naman ako sa Walang Tulugan, sambit niya nang makatsikahan siya sa presscon ng pelikula nila ni Bea Binene na Liwanag Sa Dilim under APT Entertainment.
Napansin din ng press na tila may kiss mark sa leeg si Jake samantalang napababalitang split naman sila ni Bea.
“Hindi kiss mark ‘yan, na-allergy ako. Bawal kasi sa akin ang malalansa,” paglilinaw niya na kung saan ay nakita naman namin ang marka paakyat hanggang tenga pero pagaling na.
Paano na ang tattoo ni Jake Vargas na nakalagay ang pangalan ni Bea kung split na sila? Ang laki pa naman nu’n? Paano mabubura? Pero sabi nga nila, inaayos nila ang pinagdadaanan nila.
“Maaayos din naman po. Bandang huli ay maayos rin ‘yan,” deklara ni Jake.
Ano ba ang madalas nilang pag-awayan ni Bea?
“Mababaw lang naman..kasi kami parehong mataas ang pride kaya konting ganoon lang, parang ang laki-laki na sa amin,” aniya.
Sino ang gumagawa ng first move para magkabati sila?
“Siyempre, lalaki naman lagi ang nauuna,” aniya.
Matagal ding nakasagot si Jake kung ‘yung sinasabi nila ni Bea na ‘okey kami’ ay nag-uusap sila, may communication sila.
“Nakaka-text ko siya,” simpleng sagot niya na kung saan ay magta-tatlong taon na rin ang relasyon nila.
Anyway, showing na sa February 11 ang Liwanag Sa Dilim na kung saan ay kasama sina Igi Boy Flores, Rico Blanco,Sunshine Cruz, Dante Rivero, Freddie Webb, Julian Trono at Sarah Lahbati. Ito’y sa direksyon ni Richard Somes.
-0o0-
Hindi mapasusubalian na marami ang nakaka-miss kay Willie Revillame na mapanood sa telebisyon.
Akala ng mga fans ay babalik na ang TV host nu’ng birthday niya sa TV pero under negotiation pa rin daw at hindi pa done deal.
Ang malinaw lang, masaya niyang ipinagdiwang ang kanyang kaarawan sa roof top ng Wil Tower Mall nu’ng January 27.
Isa rin sa unang bumati sa kanyang kaarawan ay si Meryll Soriano sa kanyang Instagram Account kaya mali ang tsika na may hindi pagkakaunawaan ang mag-ama.
Kung nagpapahinga man ngayon siya ay maihahalintulad lang sa letter W ang career niya. Nagsimula sa itaas, bababa, tataas, bababa at ang ending ay babalik pa rin sa itaas.
Hangad pa rin daw niya ang UP pero hindi lang pang-personal kundi para makatulong sa mga mahihirap na kababayan.
Hindi kaya may balak din si Willie na pasukin ang politics?
Pero ang tumatak sa utak niya ay ang sinabi ni Pope Francis na mamuhay ng simple ay isipin ang mga mahihirap. Hindi siya madamot na tao kaya marami siyang gustong gawin sa less fortunate nating kababayan.
Sinasabi rin niya na ang mga materyal na bagay ay hindi naman nadadala sa hukay. Kung nabulag man dati sa mga magagarang sasakyan dumarating din ‘yung panahon na hindi na niya kailangan ‘yun. May mga tao naman na simpleng namumuhay pero masaya sa buhay sa maliliit na bagay.
Wish niya ngayon ay mapasaya at makagawa ng kabutihan sa mga kababayan natin ngayon.
Bongga! XPOSED/ROLDAN CASTRO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment