Thursday, January 29, 2015

Gas truck sumabog sa ospital sa Mexico, 2 todas, 73 sugatan

DALAWA ang nasawi habang marami pa ang nawawala makaraang sumabog ang gas truck sa isang maternity hospital sa west Mexico City.


Nabatid na 73 ang sugatan habang may ilan mga sanggol ang natagpuang sugatan din sa ilalim ng mga debris.


Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin mabilang ang mga taong nawawala, habang patuloy na tinatanggal ang mga concrete at twisted metal para makita kung mayroon pang mga survivors.


Sa ulat, aabot sa 100 katao ang nasa ospital nang mangyari ang pagsabog at nasa 60 na ang narekober. MARJORIE DACORO


.. Continue: Remate.ph (source)



Gas truck sumabog sa ospital sa Mexico, 2 todas, 73 sugatan


No comments:

Post a Comment