Saturday, January 31, 2015

Tampo ng slain SAF families, binura ni PNoy

NANINIWALA si Pangulong Noynoy Aquino na napawi na ang agam-agam at nabura ang anomang tampo kaugnay sa kanyang paghuhugas-kamay sa nangyaring Mamasapano massacre.

Ito’y matapos makausap ang lahat ng pamilya ng 44 na SAF members sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City hanggang kaninang madaling-araw.

Sinabi ni Communications Usec. Renato “Rey” Marfil, inabot ng 30-minuto ang pinakamatagal na nakausap ng Pangulong Aquino para lamang malinawan ang mga duda at pangamba matapos masawi ang mahal sa buhay na ‘breadwinner.’

Ayon kay Marfil, bawat pamilya ng napatay na SAF commando ay tatanggap ng mula P800,000 hanggang P1-million cash; permanenteng trabaho sa naiwang asawa o kapatid sa angkop na ahensya ng gobyerno; libreng edukasyon sa lahat ng anak mula kindergarten hanggang makatapos ng kolehiyo; livelihood program/package mula sa DTI; libreng bahay na ipapatayo ng National Housing Authority (NHA), maliban pa dito ang kaukulang benepisyo at assistance sa serbisyo.

Para naman matiyak na maibibigay ang lahat ng benefit packages, magpapadala si Interior Sec. Mar Roxas ng isang protocol officer sa bawat pamilya at aalis lamang kung naibigay na ang lahat ng naipangakong benepisyo.

Matapos daw ang usapan, magaan ang loob at napawi na ang agam-agam ng mga naulila at labis ang pasasalamat sa Pangulong Aquino. JOHNNY ARASGA

.. Continue: Remate.ph (source)



Tampo ng slain SAF families, binura ni PNoy


No comments:

Post a Comment