NAKUWELYUHAN ng pulisya kaninang madaling-araw (Enero 29) ang pitong miyembro ng isang kilabot na gang na sangkot sa gunrunning, drug trafficking, robberies at hired killings sa Quezon City.
Sinabi ni Chief Inspector Elizabeth Jasmin, public information officer ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na ang mga suspek na hindi muna pinangalanan ay nahulihan ng apat na kalibre .45 pistol, dalawang kalibre .38, isang kalibre .22, isang granada, mga bala at shabu.
Sa ulat, inilatag ang pagsalakay dakong 5:30 a.m. sa hideout ng mga suspek sa NAPOCOR Compound sa BIR Rd., Bgy. Central, Q.C.
Bago ito, isinilbi aniya ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang arrest warrant na ipinalabas ni QC Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Fernando Sagun, Jr., laban sa mga suspek dahil sa pagtatago ng mga armas sa kanilang hideout.
Nabulaga naman ang mga suspek at hindi na nakapalag pa nang mapaligiran ng kapulisan ang kanilang lungga.
Ang mga naarestong suspek ay konektado aniya sa Tala crime group, na kaya tinawag sa bansag sa kanila ay dahil madalas silang nag-ooperasyon sa Tala, Caloocan City pero ang hideout nila ay sa Q.C. ROBERT TICZON
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment