MAGPAPATULONG sa Korte Suprema si Makati Mayor Junjun Binay kasunod ng pagpapakulong sa kanya matapos na ma-cite for contempt sa senado.
Ayon kay Binay, dahil sa kanyang pagkakakulong, may ligal siyang karapatan na idulog sa Korte Suprema ang kanyang naranasan.
Tatlong oras siyang nakulong sa tanggapan ng Senate Sergeant-at-Arms at kinaladkad ng mga senate securities para humarap sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Sub-Committee.
Bagama’t pinalaya na, sinabi ni Binay na posibleng maulit ang pagpapadampot at pagpapakulong sa kanya sa senado. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment