Thursday, January 29, 2015

Patas na imbestigasyon sa Mamasapano clash, hiniling

HINILING ni Cotabato Archbishop Orlando Cardinal Quevedo ang pagkakaroon ng patas imbestigasyon sa Mamasapano, Maguindanao massacre na kumitil ng buhay ng 44 na miyembro ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF).


Ayon kay Quevedo, kailangang matukoy ang mga dahilan kung paano nauwi sa trahedya ang naturang police operation.


Anang Cardinal, makakamtan ng mga biktima ang katarungan sa naganap na malagim na trahedya sa pamamagitan ng patas na imbestigasyon.


Nanawagan rin ito sa lahat na maging mahinahon at isantabi ang hangarin ng paghihiganti sa mga nagnanais maging hadlang sa matagal ng inaasam-asam na kapayapaan.


Ipinapaabot din ng Kardinal ang kanyang taimtim na pakikidalamhati sa pamilya ng mga nasawing miyembro ng PNP-SAF at tiniyak na ipagdarasal niyang makatagpo ang mga biktima ng kaluwalhatian sa kalangitan.


“Here in Rome, I grieve most deeply with the families of the valiant PNP-SAF, fallen in battle for the cause of justice. The circumstances and causes of this horrendous tragedy are still to be clearly unraveled. The demand of justice is for impartial investigation into how such police operation could result into unimaginable tragedy,” ani Quevedo, sa panayam ng church-run Radio Veritas. MACS BORJA


.. Continue: Remate.ph (source)



Patas na imbestigasyon sa Mamasapano clash, hiniling


No comments:

Post a Comment