Thursday, January 29, 2015

Kelot, patay nang makipagbarilan sa mga pulis

NABAWASAN ang sakit ng ulo ng mga pulis matapos mapatay ang isang pasaway nang makipagbarilan sa kanila sa Caloocan City, Huwebes ng umaga, Enero 29.


Dead-on-the-spot sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan si Rolly Menor, alyas Kurap, nasa hustong gulang, ng Balwarte, Phase 8, Bagong Silang ng lungsod.


Nabatid kay Senior Supt., Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan Police na alas-10:30 ng umaga ay nagsagawa ng operation ang mga pulis sa nasabing lugar upang madakip ang suspek na sangkot sa mga patayan at pagbebenta ng droga sa lungsod na miyembro ng Panoy Group.


Nakorner ng mga pulis ang suspek at sa halip na sumuko ay nakipagbarilan sa mga pulis dahilan para gantihan ito na nagresulta ng kanyang pagkamatay.


Nakasuot pa ng primera klaseng bullet proof ang suspek at nakuha ang gamit nitong kalibre .45 at granada. RENE MANAHAN


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot, patay nang makipagbarilan sa mga pulis


No comments:

Post a Comment