BUKOD na sa parehong ma-appeal ay matindi talaga ang arrive ng mag-utol na Andre at Kobe Paras (mga anak ni Benjie Paras kay Jackie Forster) na nasa magkaibang field. At kung sikat ngayon sa larangan ng basketball internationally si Kobe na member ng team ng Cathedral High School Phantoms sa Los Angeles, California na among the players ay isa siya sa pinakamagagaling at nagpapanalo lagi ng kanilang mga laban, dito naman sa Pinas ay popular ang brother ni Kobe na si Andre, na napanonood sa afternoon drama show ng GMA 7 na The Half Sisters kasama ang mga pangunahing bida ng serye na sina Barbie Forteza at Thea Tolentino.
Yes! kung matindi ang hatak ni Barbie sa televiewers, ‘di rin nagpapakabog sa kanya itong si Andre na balita namin ay millions na pala ang followers sa FB.
Grabe! Sa sobrang lakas ng The Half Sisters ay extended raw ito hanggang March ngayong taon. Bilangin niya kung gaano na sila katagal na umeere? Nag-umpisa itong ipalabas June of last year so kung hanggang March sila ay 9 months na bale silang pinalalabas sa Kapuso network. At walang halong exaggeration, bukod sa malakas na hatak ng mga artista rito sa mga manonood, for us malaking tulong rin sa drama show ang maging pre-programming sila sa no. 1 and longest-running noontime variety show on Philippine Television na Eat Bulaga.
We should admit that gyud!
PUHUNANG IPINAMIMIGAY MAS PINALAKI NI MARIAN
Di pa man siya artista at pag-aaral at paggawa pa lang ng TV commercial ang inaatupag, generous na si Dabarkads Marian Rivera sa kanyang pamilya specially sa Lolang nagpalaki sa kanya sa Cavite. At nang pasukin na ng magandang misis ni Dingdong Dantes ang showbiz at biglang boom ng career nito ay lalo siyang natuto na mag-share ng kanyang blessings at ang pagiging generous na ito’y nakuha niya sa kanyang tatay-tatayan na presidente ng Tape Incorporated at APT Entertainment na si Sir Tony Tuviera na namamahala ng career niya along with very sweet, supportive and ma-PR na si Sir Rams na tumatayong manager ni Yan Yan.
At dahil galante nga ay dinagdagan pa ni Marian ngayon ang “Puhunan,” na ipinamimigay niya sa mapipiling resident winner sa Barangay tuwing Sabado na tinatatawagan impromptu ni Bossing Vic Sotto sa cellphone at pinuntahan naman ng personal ng Primetime Queen ng Kapuso network kasama ang mga wacky sugod-bahay Gang na sina Jose, Wally at Paolo para dalhin at ibigay ang lahat ng mga sangkaterbang premyo ng mapalad na winner sa araw na ‘yon.
So, dahil mas pinalaki pa ang halaga na ipinamimigay ni Mrs. Marian Gracia-Dantes sa kanyang “Puhunan ni Marian” ay mas malaki na rin ang magiging puhunan sa maliit na negosyo ng makatatanggap nito.
Marunong magmahal sa kapwa gyud! WALANG KIYEME/PETER LEDESMA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment