Friday, January 30, 2015

44 na bayaning SAF members, hindi maililibing sa Libingan ng mga Bayani

KAHIT maituturing na bayani ang 44 na namatay sa engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao ay hindi sila maililibing sa Libingan ng mga Bayani.


Ayon kay PNP Spokesman Generoso Cerbo, ito’y dahil laan para sa mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang naturang libingan.


Wala pang isang pulis ang nailibing dito at tanggap ito ng kapulisan.


Sinabi ni Cerbo na malamang sa isang ordinaryong mga libingan lamang ihimlay ang mga namatay na pulis.


Maliban lamang aniya kung irerekomenda ito ng Pangulo, ng kongreso o kaya naman ng secretary ng National Defense.


Sa ilalim ng regulasyon ng AFP sa Libingan ng mga Bayani, ang pinapayagan lamang na mailibing dito ay ang Medal of Valor Awardees, Presidente ng Pilipinas bilang Commander in Chief ng AFP, Secretary of National Defense, Chief of Staff, General o Flag Officers, aktibo at retiradong mga sundalo ng AFP, mga dating miyembro ng AFP na umanib sa PNP at Philippine Coast guard, mga beterano ng Philippine Revolution noong 1986, First and Second World War, mga government dignitaries, statesman, national artists at mga biyudo at biyuda ng mga dating pangulo. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



44 na bayaning SAF members, hindi maililibing sa Libingan ng mga Bayani


No comments:

Post a Comment