WALA raw alam ang pamunuan ng Philippine National Police o itong si PNP officer-in-charge Deputy Director General Leonardo Espina sa operasyon ng Special Action Force (SAF) para hulihin si Malaysian bombmaker Zulkifli Bin Hir, alyas “Marwan”, na nagtatago sa kuta ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao.
Si Marwan ay may patong sa ulo na $5-million na manggagaling sa US Federal Bureau of Investigation.
Ibig-sabihin, sinomang makaaaresto kay Marwan ay sa kanya mapupunta ang reward.
Kaya sa gigil ni Espina, sinibak niya ang hepe ng SAF.
Lumabas na balak solohin ng mga sinomang opisyal na hindoropot sa SAF ang makukuhang reward kapag nahuli si Marwan.
Sadyang hindi ipinaalam ng mga hunghang sa SAF ang isinagawang operasyon.
Isinubo ang mga pulis sa isang delikadong misyon. Ang nagagawa nga naman ng pera.
Pitpitin ang bayag ng mga hinayupak d’yan sa SAF at ipakain sa baboy.
***
Sinibak na rin ang spokesman ng PNP na si Chief Supt. Wilben Mayor.
Bilang spokesman ng pulisya, wala siyang mabuting masabi sa isyu kaya tsinugi.
Ayos ‘yan!
***
Ang hinihintay nating mawala sa PNP, kaugnay ng ginawang masaker sa mga tauhan ng SAF ay mismong si Gen. Espina.
Responsibilidad niya ang pagkamatay ng kanyang mga pulis. Bukod sa pagluluksa, dapat din siyang nahihiya sa nangyari.
Tutal naman, wala pala siyang alam.
Aba’y para “bulagin” siya sa operasyon ng PNP-SAF, hindi siya nirerespeto ng mga ito.
Ano sa palagay n’yo, mga suki?
***
Brutal, barbariko, makahayop, hindi makatao, kundi makademonyo ang ginawa ng BIFF at MILF sa ating mga pulis.
Habang nakahandusay at wala ng buhay, pinagbabaril pa rin ang mga tauhan ng SAF.
Kaya makikita sa mga kumalat na video na sabog-sabog ang ulo ng mga biktima.
Ang deklarasyon ng pamunuan ng MILF na ang nangyari’y ‘misencounter’ ay hindi natin matanggap.
Hinihintay ng taumbayan kung ano ang matigas na sasabihin sa isyung ito ni Pangulong Aquino.
Ipadudurog na ba niya ang MILF at BIFF? O patuloy niyang “ibebeybi” ang mga hindoropot na ‘yan?
Abangan! KANTO’T SULOK/NATS TABOY
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment