Saturday, January 31, 2015

Foreign coach sa Chess

ANG paglipat ni super grandmaster Wesley So sa U.S. federation ay malaking kawalan sa Pilipinas.


Maraming magagaling na Pinoy woodpushers sa Pilipinas at ilan sa mga foreign super GMs ang nagpatotoo nito.


Kaya naman pursigido ang National Chess Federation of the Philippines (NCFP) na kumuha ng foreign Grandmaster coaches para makahanap ng panibagong So at maiangat hindi lamang sa ranking kundi pati sa tyansa na magwagi ang Pilipinas sa mga internasyonal na torneo sa buong mundo tulad ng Inter-Zonal at World Olympiad.


“Ang observation ng mga foreign GM’s sa atin ay very talented ang mga Pilipino pero ang defect ng players natin ay weakness sa opening. They want all our young players to learn the foundation of a good opening at kung matututo sa middle game ay malaki na ang tsansa na manalo,” ani Pichay.


Walang Chess event sa 28th Southeast Asian Games sa Singapore ngayong taon kaya nagdesisyon ang NCFP na sanayin ang elite team sa pagkuha ng foreign coach at sanayin ang mas pinakamaraming coaches.


“We will continue to hold international tournament, expose our players against foreign rivals and probably earn GM norms for the kids. Our reasons kasi ay magkaroon sila ng tsansa na makasagupa ang mga foreign woodpushers.” Saad pa ni Pichay.


Pakay ni Pichay na lumawak ang kaaalaman ng mga batang chess players sa opening pa lang kaya ayon sa kanya ay malaking bagay kung may foreign coaches na magtuturo sa kanila.


Sinabi rin ni Pichay na maging ang mga Filipino coaches ay dapat matuto rin sa mga makukuhang foreign coach.


“We want them to learn strategy like the Chinese players, positional sila and then kapag nainis ka, saka sila aatake. We will be sending our elite athletes to Europe to matchup with high ranking players dahil sa ganoon natuto talaga ng mga moves si Wesley,” ayon pa kay Pichay.


“As a priority sports, gusto ko talaga na mag-champion ang Pilipinas sa international tournament. We want also to be kahit in the Top 20 sa Olympiad. It will be hard dahil wala na si Wes but we will not stop in reaching new heights,” dagdag pa nito.


Samantala, sinaad naman ni NCFP Executive Director GM Jayson Gonzales na matagal nang plano ng asosasyon ang pagkuha sa foreign coach para maturuan lalo ang lokal na coaches at mai-promote ang chess sa pinakamalawak na parte ng bansa.


“Matagal na nating plano iyan kaso kapos lagi sa funding. Now na isa kami sa priority sports, we can request para sa 6 months na paghire ng foreign coach para may transfer of technology and train the coaches then teach it in all of our grassroots program,” sabi ni Gonzales.


May kabuuang 50 eskwelahan at 140 kalahok ang sumali sa pang-una nitong torneo ngayong 2015, ang pagbubukas ng 2015 National Schools and Youth Championships na isinasagawa sa PSC Athletes Dining Hall. ELECH DAWA


.. Continue: Remate.ph (source)



Foreign coach sa Chess


No comments:

Post a Comment