Saturday, January 31, 2015

2 piloto lagas sa airplane crash

NALAGAS sa isang malagim na trahedya ang dalawang piloto nang bumagsak ang eroplanong kanilang pinapalipad sa Batangas province kaninang umaga (Enero 31).


Hindi naman pinangalanan pa ang dalawang biktima dahil uunahin munang ipaalam sa kani-kanilang pamilya ang sinapit ng kanilang mahal sa buhay.


Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9 ng umaga sa karagatan na may 300 metro ang layo mula sa Bgy. Bucana, Nasugbu, Batangas.


Ayon kay Air Force spokesman Lt. Col. Ernesto Canaya, bago ang insidente ay nagsasagawa ng aircraft formation training mission ang tatlong two seater plane ng Philippine Air Force (PAF) bilang pagdiriwang ng 70th Liberation Day ng Nasugbu, Batangas.


Pero habang nasa gitna aniya ng palabas sa kalawakan, sa hindi pa malamang dahilan ay biglang bumulusok sa karagatan ang isa sa tatlong PAF plane na SF-260FH Nr 1034 na pinapalipad ng dalawang biktimang piloto.


Nagpadala naman agad ang awtoridad ng mga helicopters mula sa Villamor Air Base sa lugar ng pinagbagsakan ng eroplano pero kapwa wala ng buhay nang matagpuan ang dalawang piloto.


Umalis aniya ang naturang eroplano sa Fernando Air Base sa Lipa City dakong 9:07 a.m., para maglatag ng 3-aircraft formation training mission. ROBERT TICZON


.. Continue: Remate.ph (source)



2 piloto lagas sa airplane crash


No comments:

Post a Comment