Friday, January 30, 2015

DNA sample ng teroristang si Marwan, ipasusuri sa Amerika

IPINADALA na sa Amerika ang DNA sample mula sa teroristang si Zulkifli Abdhir alyas Marwan na sinasabing napatay sa operasyon ng PNP – Special Action Forces (SAF) sa Mamasapano, Maguindanao.


Matatandaang sa umano’y briefing sa headquarters ng 6th Infantry Division sa Awang, Maguindanao ay ipinakita ang larawan ng isa sa napatay sa engkwentro na hinihinalang si Marwan.


Ang resulta ng DNA testing ang magpapatotoo na napatay nga ng mga operatiba sa bakbakan ang isa sa dalawang target ng elite force sa lugar.


Sinasabing nagpaputok si Marwan pero nabaril ito ng operatiba sa dibdib at braso.


Wala pang napaulat sa kinaroroonan ni Abdul Basiy Usman na isa pang target ng SAF members na patuloy na hinahanap ng awtoridad. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



DNA sample ng teroristang si Marwan, ipasusuri sa Amerika


No comments:

Post a Comment