Friday, January 30, 2015

MAGKAKA-PARTNER SA PROGRESO

MALAKING patunay kapag nagkakaisa ang mga tao sa pamahalaan sa pangunguna ng alkalde, ang pulis at maging ang barangay tiyak ang bayan at ang mamamayan ang makikinabang at panalo.


Tulad na lang sa San Jose del Monte, Bulacan, makikita rito ang matatag na samahan, lalo na kapag kampanya sa iligal na droga ang pag-uusapan. Nangunguna riyan si Mayor Rey San Pedro, kasama ang hepe ng kapulisan na si Supt. Charlie Apil Cabradilla na kilala rin sa lungsod dahil sa regular na pakikipag-ugnayan nito sa mga opisyal ng barangay.


Mismo itong ating dating kasamang si Kagawad Dion Aque ng Bgy. Muzon ang makapagpapatunay ng magandang ibinubunga kapag lahat sa pamahalaan ay iisa ang layunin at siyempre malaking bagay kapag mahusay ang namumuno. Kaya swerte ang mga residente sa lungsod ng SJDM, may masipag at diretsong alkalde sila na walang iniisip kundi ang interes ng lungsod at kanyang constituents.


‘Di naman nakapagtataka kasi kung hindi mahusay itong si Mayor ‘RSP’, eh, bakit ngayo’y kabi-kabila ang mga ipinatatayong imprastraktura, bukod sa mga bagong kalsada at pinatibay na mga tulay?


Kaya naman madali nitong nakumbinsi ang mga malalaking investors sa bansa tulad ng SM at Ayala Land na maglagay ng mga higanteng mall sa lungsod na tiyak ang mas malaking buwis na papasok sa kaban ng bayan at mas maraming mamamayan ang siguradong magkakaroon ng trabaho, ayos ‘di ba?


Sa laban sa droga, kamakailan lang ay nasakote ng mga tauhan ni Supt. Cabradilla ang tatlong kababaihan na sina Milagrosa Guillermo, 48; Edna Lunasin, 52; at Angela Bautista, 20, pawang mga residente ng Pabahay 2000 sa Bgy. Muzon.


Dahil sa impormasyon mula sa concerned citizen, agad inalerto ni Supt. Cabradilla ang puwersa ng SAID-SOTG at COMPAC-3 sa pangunguna ni Insp. Jason Quijana at ikinasa ang isang buy-bust operation. Ayun tiklo ang tatlo!


Mabuhay kayo, Mayor RSP, Supt. Cabradilla at siyempre ang aking kaibigan, si Chairman, este Kagawad Dion!


53RD CALOOCAN CITYHOOD


Tiyak masaya na naman sa Caloocan sa pagdiriwang ng ika-53 anibersaryo ng pagkakatatag nito bilang isang lungsod. Ayon kay Ms. Betsy Luakian, ang maganda at mahusay na pamangkin at secretary to the mayor ni Mayor Oca Malapitan, maraming inihandang programa ang lungsod bilang bahagi ng okasyon na nagsimula kahapon hanggang sa Pebrero.


“January 31, 6 a.m., will be a motorcade and parade of various floats highlighting the city’s mega-projects and Ms. Caloocan candidates at the Northern side of the city. February 1 will be the same motorcade and parade at the Southern side,” ayon kay Mayor Oca.


Ang mga kaganapan ay tulad ng battle of the bands at cultural show sa University of Caloocan City; Mega-Job Fair sa City Hall South; Mega-People’s Day sa City Hall South at City Hall North; Senior Citizens’ Valentine Party sa Feb. 14 pareho sa City Hall South at North; Kasalang Bayan sa Glorieta Tala mismo sa Feb. 14; at Schools Athletic League Championship Games sa Caloocan High School.


Mabuhay ka, Mayor Oca at Ms. Betsy! GOOD RIDDANCE/ARLIE CALALO


.. Continue: Remate.ph (source)



MAGKAKA-PARTNER SA PROGRESO


No comments:

Post a Comment