TINIYAK ni MIMAROPA Regional Director Eduardo Janairo, Jr. na tatapusin nito ang dekada nang nabinbing trabaho ng mga nauna nang opisyal sa rehiyon.
Nitong September 22 – 26, personal na nagsagawa ng inspeksyon si Director Janairo sa mga Rural Health Center (RHC) sa bayan ng Lubang at Looc, pawang sa Occidental Mindoro.
Layunin ng pagbisita ni Janairo sa mga RHC ay upang alamim ang mga pangangailangan sa mga health centers.
“Layunin ko sa pagbisita sa rehiyon ay upang makita, ma-assess at ma-evaluate ang aming mga programa at kung kinakailangang tugunan o suportahan ito,” ayon kay Janairo.
Kabilang sa mga napuna niyang kakulangan sa mga RHC ay kawalan ng equipments na mga magagamit tulad ng lamesa, silya, operations tables, oxygen, delivery tables at iba pa.
“Bagama’t may mga nakatayo ngang mga health centers pero wala namang laman sa loob, eh, paano magagamit ito,” ayon pa kay Janairo.
Bukod sa pangangailangan sa mga health centers, tinutukan din ni Janairo ang mga programa sa tubig na iniinum ng mga residente.
Sinuyod din ni Janairo ang iba’t ibang isla kabilang ang bulubunduking isla ng Ambil Tambo at Ambil Tabao na sakop ng Looc, Occidental Mindoro kung saan sumakay pa ito ng bangka upang makarating sa lugar.
Personal din binisita ni Janairo ang Visay falls sa Ambil island kung saan mayroon water reservoir na siyang source ng tubig sa mga residente.
Nalaman din ni Janairo na kinakailangan pang isakay sa banca ang isang buntis patungo sa ibang isla kung saan may pasilidad ng paanakan.
Nabatid na taon 2009 pa umano ay nagkaroon na ng mga proyekto ang mga naunang Regional Directors subalit nauwi lang ito sa hanggang plano lamang.
Target ni Janairo na matugunan ang mga pangangailangan sa mga RHC hanggang 2015.
Bukod sa inspeksyon, isinabay na rin ang pagbabakuna kontra tigdas sa mga batang edad 5 pababa sa Poblacion, Looc, Occidental, Mindoro na sinusuportahan namam ito ni Looc Mayor Benjamin Tria. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment