Saturday, September 27, 2014

Kelot, dakip sa pangongotong ng Chinese sa Boracay

NAARESTO ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang isang habal-habal driver sa isinagawang entrapment operation dahil sa pangingikil umano sa pamilyang Chinese na bakasyunista sa Boracay.


Kinilala ang nadakip na si Rafael Iya, 40, habal-habal driver sa Boracay at residente ng Poblacion Malay, Aklan.


Sa ulat, hinuli ang suspek matapos na magreklamo sa mga pulis ang isa sa tatlong biktima na si Ze Kyang Wu, 68, kasama ang kanyang misis at isang anak, pawang mga taga-China na nagbabakasyon lamang sa isla.


Ayon kay Wu, humihingi umano ng P10,000 sa kanila ang naturang driver kapalit ng kanilang nawawalang passport at visa gayundin ang hotel bookings.


Nauna rito, ipina-blotter ng mga dayuhan sa BTAC ang pagkawala ng kanilang bag na nakalagay ang naturang mga dokumento.


Nangako rin ang mga ito na magbibigay ng pabuya sa sinumang makapagbabalik nito.


Tumawag umano ang suspek sa tinutuluyang hotel ng mga biktima at hinihingi ang naturang halaga.


Dito na nagpasaklolo ang management ng hotel sa mga pulis.


Nagsagawa ng entrapment operation ang BTAC sa loob ng hotel kaya nadakip ang suspek habang tinatanggap ang marked money mula kay Wu.


Sa kabilang dako, kinumpirma ni PO1 Jomar Donato ng BTAC na agad na pinalaya ang suspek matapos na magpahayag ng kawalan ng interes na magsampa ng kaukulang kaso ang mga turista dahil naibalik na rin ang nawawalang mga dokumento. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Kelot, dakip sa pangongotong ng Chinese sa Boracay


No comments:

Post a Comment