Monday, September 1, 2014

Kaso vs Domingo de Guzman at Dahlia Pastor, inilarga na ng DoJ

PINASASAMPAHAN na ng kaso ng Department of Justice (DoJ) ang itinuturong mastermind sa pagpaslang kay race car champion Ferdinand Enzo Pastor na si Domingo de Guzaman III.


Batay sa tatlong pahinang resolusyong na nilagdaan ni Prosecutor General Claro Arellano, ipinasusulong nito sa hukuman ang kasong illegal posession of firearms and ammunition kay De Guzman na kilala rin sa alyas na Sandy.


Ngunit ipinasasailalim naman sa preliminary investigation ng DOJ ang mga kasong murder at frustrated murder laban kay De Guzman.


Gayundin ang kasong parricide at frustrated murder para sa biyuda ni Pastor na si Dahlia na itinakda naman sa September 9 at 16 ng taong kasalukuyan.


Pinagsusumite naman ng DOJ ang gunman na si PO2 Edgar Anghel ng counter affidavit ngayong araw na ito makaraang lumagda sa isang waiver na nagsusuko sa kanyang karapatan sa ilalim ng itinatakda ng article 125 ng revised penal code. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Kaso vs Domingo de Guzman at Dahlia Pastor, inilarga na ng DoJ


No comments:

Post a Comment