AMINADO si Sen. Chiz Escudero na hindi pa rin nito nakakausap ang mga magulang ng kaniyang fiance bago at pagkatapos ng isang engagement na isinagawa sa Sorsogon dalawang linggo na ang nakararaan.
“Hindi pa kami nagkikita at nagkakausap. Darating din tayo diyan,” diin ng solon na tinutukoy ang mga magulang ng aktres na si Heart Evangelista.
Naging emosyunal ang aktres sa ‘di inaasahang marriage proposal ng solon noong Agosto 28, 2014 sa Buhatan ng nasabing lalawigan.
Binasa ng solon ang text message mula sa ama ng aktres, Rey Ongpauco, na ipinadala ng kapatid ni Heart kay Escudero.
Ayon sa mensahe, binabati nito ang dalawa sa kanilang engagement at ibinibigay na ang basbas sa nakatakdang pag-iisang dibdib nito.
Nabatid na annuled sa civil court noong 2012 ang civil marriage ng solon at at Hulyo 2014 naman nagarantiyahan ang church annulment nito.
Magugunita na nagkaroon ng tampuahan ang aktres at magulang nito dahil tutol sa kanilang relasyon.
Hindi pa annuled noon ang kasal ni Escudero sa unang asawa at ina ng kambal nilang anak na si Christine Flores.
Nilinaw din nito na wala pang venue at iskedyul ng kanilang kasalan.
Tiniyak lamang nito na gagawin ito sa 2016.
Una nang sinabi ni Lolit Solis, entertainment personality, na posibleng isagawa ang kasalan sa isang ekslusibong isla na pag-aari ng kaibigan ni Escudero. Linda Bohol
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment