MAGIGING maulan ang Mindanao ngayong Sabado dahil sa umiiral na Southwest monsoon habagat.
Ayon sa PAGASA, magkakaroon ng maulap na kalangitan na may mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Palawan, Western Visayas at Mindanao.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay makararanas lamang ng pulo-pulong pag-ulan o pagkidlat-pagkulog sa dakong hapon o gabi.
Ayon kay weather forecaster ng Aldczar Aurelio, walang namamataang bagyo o low pressure area (LPA) ang PAGASA na maaaring makaapekto sa bansa. JOHNNY ARASGA
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment