WALANG bahid ng make-up si Robin Padilla nu’ng makausap namin kamakailan kaya kitang-kita kung gaano ka-flawless at kabata ng kanyang mukha. Pero sabi niya, wala raw sikreto kung bakit mukhang bata pa rin siya hanggang ngayon.
“Kahit tanungin ninyo si Mariel, wala. Siguro dahil sa mga pinapakain ni Mariel sa akin. ‘Yun, palagay ko ‘yun,” lahad niya.
Bago mag-isip ang iba d’yan, ang sabi ni Robin gulay at juice raw ang pinapakain sa kanya ni Mariel.
“At saka siguro ang Muslim kasi hugas nang hugas ng mukha. Malaking bagay siguro ‘yun,” dagdag niya.
Hindi lang daw mukha ang madalas hugasan ng mga Muslim.
“Oo, pati pag-ihi,” seryosong sabi ni Robin. “Si Mariel nga unang nagulat kasi umiihi ang Muslim nakaupo, e. Nakaupo, e, ganoon talaga ang pag-ihi ng Muslim, naka-swat.”
Samantala, agree raw si Robin sa plano ni Mariel na magka-baby sila sa 2015.
“Final na ‘yun, kasi ang usapan naming dalawa nu’ng kami’y ano, napakarami ako’ng gustong gawin sa buhay ko. Gusto ko gawin lahat ‘yun. Tapos sabi niya, ano ‘yun? Gusto ko’ng libutin ang buong mundo, kako,” kwento niya.
Okey lang daw kahit hindi na siya makapunta sa US dahil nakarating na siya roon. Ilang beses na kasing na-deny si Robin na makapasok ulit sa US.
“Gusto ko ‘yung mga lugar na may adventure, kako, puntahan natin. E, pero kung may anak tayong dala, hindi natin magagawa ‘yun, sabi ko kay Mariel. E, ang dami, lahat ‘yan, lahat ‘yun. Katulad nu’ng pinuntuhan namin noon na talagang weirdung-weirdo si Mariel. ‘Yun kasi ang mga trip ko, e. ‘Yung mga hindi maipaliwanag,” kwento ni Robin.
Next destination na gusto naman niyang puntahan bago matunaw ay ang North Pole.
Plano raw nila puntahan ‘yun next year. Pagkatapos noon pwede na raw sila magka-anak ni Mariel. SWAK NA SWAK/Julie E. Bonifacio
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment