Saturday, September 27, 2014

Bahagi ng CamSur, aabutin ng pagputok ng Mayon

MALAKI ang posibilidad na abutin ng pagputok ng Mayon ang ilang bahagi ng Camarines Sur kung magkakaroon ng pagbabago ng direksyon ng hangin.


Una nang natukoy na posible ring tamaan ng mga abo ang buong third district ng lalawigan ng Albay kabilang na ang mga bayan ng Camalig, Guinobatan, Ligao, Oas, Polangui, Pio Duran, Jovellar at maging ang bayan ng Bato sa katabing lalawigan.


Ayon kay Albay Public Safety and Emergency Management Office (APSEMO) head Cedric Daep, ito’y kung pagbabatayan ang 1984 eruption kung saan nagkaroon ng 14 kilometers ash explosion.


Sa kabilang dako, kung pyroclastic materials naman umano ang pag-uusapan ayon sa Phivolcs, nananatili ang southeast quadrant flow na una nang natukoy na nakaharap ang mababang crater rim ng bulkan.


Kabilang sa mga lugar na posibleng maapektuhan nito ay ang lungsod ng Legazpi, at mga bayan ng Sto. Domingo at Daraga.


Sa ngayon, nananatili pa ring nakataas ang alert level 3 status ng bulkan dahil na rin sa patuloy na abnormalidad nito.


Napag-alaman na patuloy sa paggalaw ang magma sa ilalim ng bulkan na siyang naglilikha ng mga rockfall events at volcanic quakes kabilang na ang ilang harmonic tremors na indikasyon naman ng pag-akyat ng magma patungo sa bunganga ng bulkan. JOHNNY ARASGA


.. Continue: Remate.ph (source)



Bahagi ng CamSur, aabutin ng pagputok ng Mayon


No comments:

Post a Comment