Monday, September 1, 2014

Airport sa Tacloban City, isasara

DAHIL sa pinsalang inabot dala ng bagyong Yolanda, pansamantalang isasara ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang Daniel Romualdez Airport sa Tacloban City, Leyte.


Ang paliparan ay isasailalim sa repair partikular ang runway matapos mapinsala ng super typhoon Yolanda noong Nobyembre.


Naglabas na ng notice to airmen ang CAAP para sa pagsasara ng airport simula alas-6:00 ng umaga bukas hanggang Huwebes.


Ayon kay CAAP Deputy Director Rodante Joya, sa oras na matapos ang repair ay tanging mga turbo propeller aircraft ang papayagang mag-take off at lumapag sa paliparan.


Pahihintulutan na mag-resume ang flights ng mga airline na gumagamit ng Airbus A320 o Boeing 737 kapag nakumpleto na rehabilitation ng buong runway. Johnny Arasga


.. Continue: Remate.ph (source)



Airport sa Tacloban City, isasara


No comments:

Post a Comment