ARESTADO ang dalawang dalagita dahil sa tangkang panghoholdap sa isang lolo na taxi driver sa Access Road, Purok Suyoc, Loakan Proper, Baguio City.
Nakilala ang biktima na si Honorio Villanueva Dilan, 70, tubong Naguilian, La Union at residente ng Lower Pinget, Baguio City.
Batay sa salaysay ng biktima, isinakay niya ang mga suspek sa Km.3, La Trinidad, Benguet at nagpahatid ang mga ito sa Access Road, Loakan, Proper sa lungsod ng Baguio.
Gayunman, nang makarating sila sa naturang lugar ay biglang naglabas ang dalawang suspek ng patalim at itinutok sa leeg ng biktima bago nagdeklara ng holdap.
Dahil walang koleksyon ang biktima, iniwan ito ng mga suspek kaya naman agad na nagtungo ang biktima sa pulisya na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga dalagitang suspek.
Dahil menor-de-edad pa lamang ang mga suspek ay naipasailalim ang mga ito sa kustodiya ng DSWD. MARJORIE DACORO
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment