Wednesday, October 2, 2013

YAKAPIN ANG ALOK NG PAGBABAGO

May isang nagngangalang Gerardo. Matagal na siyang casual employee. Natanggal siya sa trabaho, maraming taon na ang nakraan, sapagkat kailangang magtipid ng kumpanya na kanyang pinaglilingkuran. Masipag naman siya. Matalino. Marunong makisama. Ngunit sadyang wala siyang kontrol sa pasya ng mga may-ari ng kumpanya. Natutuhan ni Gerardo na huwag katakutan ang mga bagay sa buhay niya na hindi pamilyar. Sapagkat maaari itong magdulot ng malaking pagbabago sa buhay.



Narito ang pananaw ni Gerardo. Kapulutan nawa natin ito ng aral…


“Karamihan sa atin, hindi naiiwasan ang pagbabago. Ito ay isang bagay na muli kong natuklasan nang matanggako ako sa trabaho bunga ng lumiliit na industriya. Hindi naman nagiba nito ang aking buhay, bagkus ay nagkaroon ako ng pagkakataong gawin ang dalawang bagay na matagal ko nang inaasam: Ang mamuhay sa probinsiya at matuto ng kanilang wika. Sa prosesong ito, marami akong natuklasan kung paano mabuhay kapag ipinagpilitan sa iyo ang maka-umpog ulong transpormasyon. Ito ang napulot ko sa aking paglalakbay:



  • Huwag basta na lamang kumilos; maupo ka. – Kung humaharap sa malaking dagok sa iyong buhay, agad kang gumagawa ng kung anu-anong aktibidad na halos ikahilo mo, tulad ng aking ginawa nang matanggal ako sa trabaho. Kalaunan, natuklasan ko na maraming pakinabang ang pananahimik, pagmamasid, at pakikinig. Sa pag-aaral ko ng wikang Bisaya, kailangang payagan mo ang iyong sarili na maging mistulang hindi pa naaararong bukirin upang ikaw ay mamukadkad.

  • Alagaan mo ang iyong sarili, kahit kaunti. – Kapag biglang naglaho ang mga pamilyar mong gawain, parang naglalaho na rn ang lahat ng iyong suporta. Sa loob ng maigsing panahon matapos matanggal ako sa trabaho, pakiramdam ko ay parang nahuhulog ako sa napakalalim na balon. Mahalaga na naaalagaan mo ang iyong sarili habang bumabangon ka sa pagkabigla ng pagbabago. Kumain ng masustansiyang pagkain. Linisin mo ang iyong tirahan. Maligo ka. Magpapogi.”


Sundan sa susunod na issue.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



YAKAPIN ANG ALOK NG PAGBABAGO


No comments:

Post a Comment