Wednesday, October 2, 2013

Aga, araw-araw nang mapapanood sa TV5

Aga Muhlach


Ni Christelle R. Gatuz


MULI nang naghahatid ng mga bagong kaalaman at makabuluhang paglalakbay ang Pinoy Explorer na si Aga Muhlach pagkaraan nang mahaba-haba niyang pamamahinga sa telebisyon.


Ang kanyang programang Pinoy Explorer sa TV5 ay patuloy na uling nagbibigay ng kinagigiliwan at sinubaybayang pagtuklas sa ating mundo.



Nitong nakaraang dalawang Linggo, napanood ang natatanging pagtuklas niya sa New York, ang isa sa mga pinakasikat na siyudad sa buong mundo.


Sinamahan siya sa kanyang paggalugad at pamamasyal sa Big Apple ng dalawang Kapatid stars na sina Derek Ramsay at Sharon Cuneta at ng kanyang kaibigan na si Lea Salonga.


Sa susunod na dalawang Linggo, 6:00 PM, makakasama naman ni Aga ang sikat na volleyball sweetheart na si Gretchen Ho at ang national women’s football player na si Natasha Alquiros sa Romblon adventure. Binisita nila ang sinasabing misteryosong karagatan sa Romblon na kilala sa tawag na Romblon Triangle. Mapapanood din ang natatanging galing ni Gretchen at ni Natasha sa sports na ibabahagi nila sa mga mag-aaral ng Cawayan Elementary School.


Hindi rin dapat palampasin ang napakasayang pagsisid kasama ni Aga sa tinatawag na Blue Hole ng Romblon sa Tablas Fun Resort.


Simula October 14, araw-araw na ring mapapanood si Aga Muhlach sa Let’s Ask Pilipinas, ang pinakabagong game show ng TV5 na local version ng Let’s Ask America ng Warner Bros.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Aga, araw-araw nang mapapanood sa TV5


No comments:

Post a Comment