Wednesday, October 2, 2013

10 regular holiday, nilagdaan ni PNoy

Maaari nang magsimulang magplano ang mga Pinoy ng kanilang bakasyon sa 2014, matapos lagdaan ni Pangulong Benigno S. Aquino III ang 10 regular holiday sa susunod na taon.


Nilagdaan ni PNoy ang Proclamation No. 655 na nagtatalaga sa 10 regular holiday, pitong special non-working day, at isang special holiday para sa mga eskuwelahan sa susunod na taon.



Regular holiday sa 2014 ang New Year’s Day, Enero 1; Araw ng Kagitingan, Abril 9; Huwebes Santo, Abril 17; Biyernes Santo, Abril 18; Araw ng Paggawa, Mayo 1; Araw ng Kalayaan, Hunyo 12; National Heroes’ Day, Agosto 25; Araw ni Bonifacio Day, Nobyembre 30; Araw ng Pasko, Disyembre 25; at Araw ni Rizal, Disyembre 30.


Ang mga special (non-working) day ay Chinese New Year, Enero 31; Sabado de Gloria, Abril 19; Ninoy Aquino Day, Agosto 21; at All Saints’ Day, Nobyembre 1; at ang huling araw ng taon, Disyembre 31.


Idineklara rin ng Pangulo ang Disyembre 24 at Disyembre 26 bilang special non-working day “to foster closer family ties and enable our countrymen to observe Christmas more meaningfully.”


Kabilang din sa special holiday para sa lahat ng paaralan ang Pebrero 25, 2014, para gunitain ang 1986 EDSA People Power Revolution. – Genalyn D. Kabiling


.. Continue: Balita.net.ph (source)



10 regular holiday, nilagdaan ni PNoy


No comments:

Post a Comment