Monday, October 28, 2013

Vote-buying, ballot-snatching problema pa rin

Ni Mary Ann Santiago


Ilang problema at aberya ang sumalubong sa idinaos na barangay elections sa bansa kahapon, ngunit sa kabila nito, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) na naging mapayapa at matagumpay sa pangkalahatan ang proseso ng halalan.


Epektibo dakong 6:00 ng umBatay sa ulat na nakarating sa punong tanggapan ng Comelec, sinabi ni Chairman Sixto Brillantes Jr., ilan sa mga naranasang problema ay ballotsnatching at vote-buying.



Nabatid na naging pangunahing problema pa rin ay ang pagkawala ng pangalan ng mga botante sa voters’ list.


“Kumpara noong 2010 (barangay elections), malaki pa rin ang ibinaba ng mga problema ngayon,” ayon kay Brillantes.


Isang botante, na patungo sana ng presinto, ang napaulat na nasawi matapos tambangan sa Toboso, Negros Occidental, dakong 6:00 ng umaga. Tinutugis na ng mga awtoridad ang apat hanggang limang suspek na sakay ng motorsiklo.


May ilang kaso rin ng ballot-snatching ang napaulat sa Barangay Bukut-Umus Tabuan-Lasa sa Basilan at Barangay San

Antonio, Catubig sa Northern Samar.


Dakong 12:00 ng hatinggabi nang agawin ng mga suspek mula sa BET ang balota sa Northern Samar at may dalawang presinto umano ang naapektuhan ng insidente samantalang 7:15 ng umaga nang agawin ang mga balota at iba pang election paraphernalia sa Clustered Precinct No. 20 kung saan may 347 ang rehistradong botante.


Gayunman, sinabi naman ng poll body na kahit nagkaroon ng ballot snatching ay maaari pa rin namang matuloy ang halalan sa mga naturang barangay sa pamamagitan nang paggamit ng improvised ballots.


Ang halalan aniya sa Barangay San Antonio ay sinimulan dakong 12:00 ng tanghali gamit ang mga improvised ballots habang di pa batid kung matutuloy ang halalan sa Barangay Bukut-Umus Tabuan-Lasa dahil pinagaaralan pa ng mga local poll official kung gagamit sila o hindi ng mga improvised ballot para matuloy ang halalan kahapon ng hapon.


Samantala, naantala rin naman at hapon na nasimulan ang botohan sa Calayan island sa Cagayan dahil hindi kaagad na ihatid ang mga election paraphernalia dahil sa masamang panahon.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Vote-buying, ballot-snatching problema pa rin


No comments:

Post a Comment