Monday, October 28, 2013

Flying voter natiyempuhan ng totoong botante

Ni Aaron Recuenco


Ito marahil ang pinakanakahihiyang pangyayari sa isang tao sa ginanap na barangay elections kahapon.


Natiyempuhan si Monalyn Estor, 18, ng tunay na botante habang ginagamit ang pangalan ng huli sa pagboto sa isang barangay sa Batangas City. Ito ay sa kabila ng kahilingan ng Bagamat walang naganap na karahasan sa pagitan ni Estor at Aurora Perez Fragada dahil agad na ikinulong ang una dahil sa paglabag sa election law.



Sinabi ni Supt. Nicolas Torre III, director ng Batangas City Police, na dumating si Fragada sa Bolbok Elementary School dakong 8:30 ng umaga upang bomoto.


Napag-alaman na si Estor ay mula Barangay Wawa.


Subalit laking gulat ni Fragada nang siya ay impomahan ng election officials na nakaboto na siya base sa nakasaad sa kanilang voters’ list.


Ngunit agad na naalala ng election officer na ang pekeng “Fragada” ay hindi pa nakaaalis ng silid-aralan.


“The suspect (Estor) was still fi lling up the ballot when the real Aurora Fragada arrived. So it was then that the fraud was

discovered,” sinabi ni Torre.


Unang nagbangayan sina Estor at Fragada at nang pumagitna ang mga election officer, agad na binitbit si Estor sa police assistance desk kung saan siya natukoy bilang isang flying voter


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Flying voter natiyempuhan ng totoong botante


No comments:

Post a Comment