Hindi na kaila sa atin ang pagbabawas ng manggagawa ng marami-rami na ring kumpanya dahil sa lumalalang krisis sa pananalapi sa daigdig. At hindi natin ito makokontrol. Ngunit may ilang mga bagay na maaari namang makontrol, at ito ang mag-aangat sa iyo sa ibang manggagawa: Dedikasyon, visibility, at special skills.
Ang paksa natin ngayon ay may layuning mabatid ang ilang pamamaraan upang hindi ka maging kandidato sa tanggalan sa trabaho. Binanggit natin ang ilang tips tulad ng (1) kahalagahan ng pagpasok nang maaga, maaga pa sa boss mo upang makintal sa kanila ang iyong dedikasyon sa trabaho; (2) ang magtalaga ka ng isang araw na magtatrabaho ka hanggang gabi, upang lalong tumatak ang iyong mukha sa dahilang katulad ng nasa No. 1; (3) ang gawin mong abala ang iyong sarili kung wala ka nang ginagawang regular na trabaho.
Ipagpatuloy natin:
- Maging very busy. – Tumanggap ng extra na trabaho, kung kaya mo. Napansin ko nitong mga nakaraang buwan, ganito ang asal ko: “Hindi naman nila dinadagdagan ang suweldo ko kapag ginawa ko iyan.” Pero ngayon, ganito na ang sinasabi ko: “Mabuti na ito kaysa wala akong sinusuweldo.” Kakailanganin ng kumpanyang pinaglilingkuran mo ang lahat nang maaari mong ibigay dito kapalit ng sweldo. Mas makabubuti para sa iyong pananatili sa kumpanya ang pagpapakita ng iyong kasipagan.
- Palawakin mo ang iyong kaalaman. – Huwag kang magkasya sa kasalukuyan mong karunungan. Magbasa ka ng mga self-help na mga materyal upang makasagap ka ng bagong talino, lalo na kung ito ay may kinalaman sa iyong trabaho at iba pa. At idagdag mo sa iyong bio-data (resume) ang bago mong kaalaman. Ipakita mo sa kanila na higit pa ang kaalaman mo kaysa talinong kanilang binabayaran sa iyo.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment