Thursday, October 3, 2013

Mabait si Megan, mapagmahal, giving, understanding and very selfless –Lauren Young

Ni Lito Mañago


KUNG proud ang buong Pilipinas sa pagkakasungkit ni Megan Lynne Young sa elusive title and crown ng Miss World pageant last September 28 sa Bali, Indonesia, doble-doble siyempre nito ang nararamdaman ng nakababatang kapatid niya na si Lauren Young.



Saksi sa si Lauren at ang kanilang pamilya sa tagumpay ni Megan sa Indonesia, kasama sila ng mga kababayan natin doon na nanood at nagbunyi sa karangalang tinamo ni Megan para sa buong bansa.


Sa interview ng GMA News TV kay Lauren, sinabi niyang hindi pa rin siya makapaniwala na ang sister niya ang nakapag-uwi ng coveted crown.


“Hindi pa rin ako makapaniwala na (Megan) is part of it, that she won it,” sambit ng aktres ng Dormitoryo ng GMA Network.


Inamin ni Lauren na malaking bahagi ng buhay niya, kung anuman siya ngayon, ang kanyang panganay na kapatid.


Aniya, si Megan ang nagpaaral sa kanya.


“Siya ‘yung nagpaaral sa akin dati. Kahit ini-spoil niya ako, tinuturuan niya akong maging independent,” pahayag ni Lauren.


Inilarawan ng dalaga ang mga katangian ng kanyang beauty queen sister.


“Mabait na tao si Megan. Mapagmahal. Very giving. Very understanding and very selfless,” wika ng nakababatang kapatid ni Megan.


“She is a very real person,” dagdag pa niya. “Kung ano siya, kung ano ‘yung ipinapakita niya, ‘yun siya.”


Nang tanungin kung susundan niya ang yapak ng kanyang kapatid bilang beauty queen:


“Maybe in the future,” pagtatapat ng dalaga. “Right now, I want to focus on my acting.”


Nagbigay siya ng mensahe para sa kanyang ate na nasa London ngayon para simulan ang duty bilang Miss World.


“Sana, lagi mong tatandaan na it’s not just about you, it’s about making your country proud!” makahulugang pagtatapos ni Lauren.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Mabait si Megan, mapagmahal, giving, understanding and very selfless –Lauren Young


No comments:

Post a Comment