Nagpalabas kahapon ang Makati City government ng abiso ang traffic re-routing plan sa isasagawang “Million People’s March@Ayala” sa siyudad ngayong Biyernes.
Isasara ng Makati City Public Safety Department (PSD) ang Ayala Avenue at Paseo de Roxas na inaasahang dadagsa ang mga makikidalo sa kilos protesta simula 10:00 ng umaga.
Ayon kay PSD Director Heremengildo San Miguel, isasara ang Paseo de Roxas – mula sa panulukan ng Ayala Avenue hanggang sa Sedeño St. – kung saan itinalaga ang staging area sa harapan ng istatwa ni Ninoy Aquino ng mga ralliyista.
”At 2pm onwards, both lanes of Ayala Avenue from Makati Avenue up to Herrera St. will also be closed to traffic for the people’s assembly,” said the traffic chief.
Ang mga pampasaherong bus ay maaaring dumanan sa Sen. Gil Puyat Aenue patungo sa kanilang destinasyon o kaya’y kumanan sa Ayala Avenue, kanan sa Makati Avenue, at kumaliwas sa Sen. Gil Puyat Avenue patungo sa kanilang destinasyon. Ang lahat ng public utility bus mula SLEx, Sen. Gil Puyat Avenue at Pasay City ay dapat na dumaan sa Sen. Gil Puyat Avenue at kumaliwa sa EDSA patungo sa kanilang destinasyon.
Samantala, ang mga pampasaherong jeepney at pribadong sasakyan mula JP Rizal ay kakanan sa Makati Avenue, kanan sa Paseo de Roxas, kanan sa Villar St., kaliwa sa EP. Leviste St., kaliwa sa V. A. Rufino St., at kanan sa Ayala Avenue patungo sa kanilang destinasyon.
Ang lahat ng sasakyan sa Washington St. ay kakanan sa Sen. Gil Puyat Avenue, kanan sa Ayala Avenue, kanan sa Salcedo St., kaliwa sa Benavidez St. patungong Esperanza St., kanan sa Makati Avenue, kanan sa Arnaiz Avenue, kanan sa Paseo de Roxas, kaliwa sa Dela Rosa St., kanan sa Salcedo St., kaliwas sa Ayala Avenue patungo sa kanilang destinasyon.
Ang lahat ng sasakyan sa McKinley road patungong Central Business District/Legaspi Village ay kakanan sa Arnaiz Avenue, kanan sa Paseo de Roxas patungo sa kanilang destinasyon at vice versa.
Ang mga motoristang patungo sa Salcedo Village ay papayagang makapasok sa Ayala Avenue at kakanan sa Apartment Ridge, kaliwa sa Sta. Potenciana, kaliwas sa Paseo de Roxas patungo sa kanilang destinasyon.
Inaasahang magtitipon-tipon ang mga demonstrador simula 3:00 hanggang 5:00 ng hapon. Ang programa ay magsisimula ng 5:00 ng hapon at inaasahang matatapos ng 10:00 ng gabi sa harapan ng Ninoy Aquino monument sa panulukan ng Ayala at Paseo de Roxas. – Anna Liza Vilas-Alavaren
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment