Thursday, October 3, 2013

‘Say, Say, Say’

Oktubre 3, 1983 nang ini-release ang collaboration ng miyembro ng The Beatles na si Paul McCartney at ng King of Pop na si Michael Jackson.


Ang single ay pinamagatang “Say, Say, Say” na nakapaloob sa ikalimang solo album ni McCartney na “Pipes of Peace.” Una itong nilabas sa United Kingdom.



Ito rin ang sumunod na pagtatambal ng dalawang music icon matapos i-record ang “The Girl is Mine” para sa “Thriller” album ni Michael noong 1982. Anim na linggo itong nanatili sa Billboard Hot 100.


Bukod sa UK, pumatok din ito sa Norway, Sweden, Australia, New Zealand, the Netherlands, at Switzerland. – Jason B. Buan/MB Research


.. Continue: Balita.net.ph (source)



‘Say, Say, Say’


No comments:

Post a Comment