Tuesday, October 1, 2013

Tindero, sinumpak ng kapatid

Kritikal sa ospital ang isang lalaki nang barilin ng nakababatang kapatid nito sa Pasig City kamakalawa ng gabi.


Nakikipaglaban sa kamatayan sa Rizal Medical Center si Richard Augustia, 33, vendor, ng Villa Monique, Barangay Pinagbuhatan dahil sa tama ng sumpak sa dibdib na tumagos sa balikat.



Sa imbestigasyon ng pulisya, nakipagtalo ang kapatid ni Richard na si Ramon sa kainuman 7:45 pm noong Lunes.


Umawat si Richard ngunit hindi napigilan ang galit ni Ramon bagkus ay naglabas ng sumpak at pinaputukan ang kuya. – Mac Cabreros


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Tindero, sinumpak ng kapatid


No comments:

Post a Comment