Ni Reggee Bonoan
PALAISIPAN sa lahat kung bakit biglang naghiwalay na sina Derek Ramsay at Cristine Reyes pagkaraan ng isang buwan (Agosto 28-Setyembre 30) simula nang aminin nila na may relasyon sila.
Ang balitang kumalat ay si Derek pa mismo ang nakipaghiwalay sa leading lady ni Gerald Anderson sa Bukas Na Lang Kita Mamahalin.
Sinubukan naming tawagan si Cristine pero nag-iba na siya ng numero.
Samantalang si Derek naman ay nag-reply sa text message namin ng, “Hi Reg, I don’t want to say anything for now, hope you understand.”
Tinext din namin ang manager ni Cristine na si Ms. Veronique del Rosario-Corpus dahil sa kanya tumakbo ang dalaga nang maghiwalay sila ni Derek—may picture kasi ang dalawa na naka-post sa Instagram na @queencristinereyes (drawing ng limang puso) by @veroniquecorpus, “Together Forever”.
Bukod ito sa isa pang post ng aktres na kasama naman ang isa niyang non-showbiz friend na may nakasaad na, “After a while, you just want to be with the one that makes you laugh. Prep to high school… motherhood and career woman till death do us part, friendship is true love, we don’t give up, she fall, I laugh, I fall ‘coz she pushed me.”
Batay sa huling post ni Cristine habang sinusulat namin ito kahapon ay nasa shooting siya kasama si Gabby Concepcion para sa pelikulang When The Love Is Gone sa direksyon ni Andoy Ranay.
Samantala, may nag-text sa amin na bumili raw kami ng tinukoy niyang magazine dahil kasama raw sa inilabas na top 69 bachelors ang mixed martial arts gym instructor na naging boyfriend ni Cristine. Ito ‘yung matagal na naming sinulat na ipinalit ng dalaga kay Rayver Cruz.
Pero ang kuwento ng aming source, “Ateng, ‘yan ‘yung gym instructor na ex-jowa ni AA (Cristine), hindi lang niya inaamin kay Derek.”
Oo nga, nu’ng makatsikahan namin ang aktor ay ipinagpipilitan niya na walang boyfriend si AA na gym instructor dahil lagi naman niyang kasama ang dalaga.
Binanggit din namin kay Derek na ang nasabing instructor ay nahiwalay sa live-in partner nito at may dalawa silang anak.
Sa presscon ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin, nang banggitin namin kay Cristine ang tungkol sa gym instructor ay sinabi niyang, “Hindi ‘yun. Iba ‘yung sinasabi mo, kaibigan nu’ng instructor ‘yung tsine-tseber ko.”
Sa naturang presscon din namin tinanong si Cristine tungkol sa kanila ni Derek at noon siya nagsabing hindi pa nga raw niya masagot kasi nga pagkatapos ng presscon pa raw sila magiging officially on.
At ngayong hiwalay na sila?
“Nabuking kasi ni Derek na totoo pala ‘yung sa gym instructor na idine-deny lang ni AA,” tsika ng source sa amin.
“Nu’ng time na naghiwalay sila ni ____ (pangalan ng gym instructor) kasi bumalik na sa mag-iina niya, ito na ‘yung time na si Derek na ang sinagot ni AA. ’Yung instructor ang nakipaghiwalay kay AA, hindi si AA,” kuwento sa amin.
Bale ba, sa nasabing magazine ay may caption daw ang photo ng guy (instructor) na, ‘seduction strategy—I’ll invite her to the gym and show her my mixed martial arts skill.” Challenge him because: “Women who don’t play hard to get are easy to get and easy to forget.”
Na-curious tuloy kami, Bossing DMB kung ano ang ibig sabihin ng guy sa sinabi niyang ito. Patama ba ito kay Cristine?
Bukas ang espasyong ito para kina Derek at Cristine.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment