Wednesday, October 9, 2013

SSS execs, binatikos sa malaking bonus

Binansagang mga “kapal-muks,” kinastigo ni Bayan Muna Party-list Rep. Neri Colmenares ang board of directors ng Social Security System (SSS) dahil sa mahigit P10 milyon na natatanggap ng mga ito bilang bonus sa gitna ng nakaambang pagtataas sa premium ng mga SSS member.



Inihayag ni Colemenares na bukod sa P10 milyon na ipinamahagi sa mga director, umaabot sa P276-milyon halaga ng bonus ang ibinigay sa mga kawani ng ahensiya.


Aniya, ibinigay ang bonus habang humihiling ang SSS ng pagtataas sa membership premium dahil nauubos na ang pondo ng ahensiya upang mapunan ang retirement at iba pang benepisyo pagsapit ng 2039.


“While the pensioners are burdened by meager pension and the impending premium hike, they (directors) are pocketing huge bonuses. Have they got no shame?” saad sa pahayag ni Colmenares.


Tungkol sa pagtataas ng premium, sinisi ni Colmenares si Pangulong Benigno S. Aquino III sa pagsuporta nito sa panukala ng SSS na itaas ang premium sa halip na dagdagan ang pension benefit sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo.


“This belittles the sufferings of our senior citizens who are pensioners,” aniya.


Sinabi ni Colmenares na ipinalalabas ng Punong Ehekutibo na wala nang pondo ang SSS ngunit sa katunayan, lumilitaw sa financial record nito na hindi ito nagtaas ng kontribusyon mula sa mga miyembro nito. Base sa 2010 assets at investment na nagkakahalaga ng P345 bilyon, ang annual income ng ahensiya ay nasa P21 bilyon hanggang P23 bilyon, habang ang collectibles ay nasa P8.5 bilyon.


Bukod sa P286 milyon halaga ng bonus na natanggap umano ng mga SSS executive at empleyado ngayong 2013, sinabi ng kongresista na umabot rin sa P200 milyon halaga ng insentibo ang ipinalabas ng ahensiya noong 2010. – Ben Rosario


.. Continue: Balita.net.ph (source)



SSS execs, binatikos sa malaking bonus


No comments:

Post a Comment