“It is splendid for the wise man to know everything but the next best thing is not to be ignorant of himself.” – Plato
Sang-ayon kay Plato, bantog na pilosopo, mainam na malaman natin ang lahat ng bagay ngunit huwag nating kalimutang malaman ang tungkol sa ating sarili.
Kung tayo man ay may tinatagong lihim hinggil sa ating sarili o tayo ay nakamaskara, hindi natin ito maipagkakaila sa ating sarili. Itaas man natin ang ating ulo ay kailangang malinis ang ating budhi.
Tayo ba’y marunong magpakasakit para sa kapakanan ng iba? Nagkakawanggawa ba tayo para sa papuri? Mahilig ba tayo sa mga bagay na materyal at salapi? Tayo ba’y walang “ego” o “pride”? marunong ba tayong luminggon?
Ang lahat ng mga tanong sa itaas, kung tama ang inyong sagot, ay makatutulong sa pagpapahalaga sa sarili.
Makabubuti na gumawa tayo ng pagsusuri sa sarili. Ito ay tinatawag na self-reflection o soul searching. Bakit ako ganyan kung minsan? Bakit ako ganoon? Bakit ako malimit magsisi? Bakit wala akong pagtingin sa aking sarili?
Ating lingunin ang ating pinanggalingan. Paano tayo pinalaki? Anong uri ang ating pamilya at kapaligiran? Matutuklasan natin kung bakit tayo ganito: Mahiyain. Matampuhin. Maramdamin. Mapagmataas. Mahilig sa sosyalan. Mataas ang ambisyon. Labis na matipid o gastador.
Simple ako sa lahat ng bagay. May hangganan ang aking kilos. Mahusay akong tumulong sa kapwa. Hindi ako makasarili. Matulungin ako sa nangangailangan. Mataas ang aking pagpapahalaga sa aking sarili.
Kung mayroon tayong dapat na pagmalasakitan ay iyon ang ating sarili. Walang tutulong sa atin kung hindi tayo na rin. Nag-iisa tayo nang isilang sa mundong ito at nag-iisa rin tayong papanaw.
Kailangan mahalin natin ang ating sarili. Dapat gabayan natin ang ating kaisa-isang buhay. Kailangang akayin natin ang ating sariling kaluluwa na laging busog sa mga gawaing espirittuwal.
Kilala ba natin ang ating sarili? Tama bang marinig sa atin ang ganito:
Masama akong magalit. Hindi ako marunong magpatawad sa mga nagkamali o nanloko sa akin.
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment