Hindi nakasama ang pangalan ni Greg Slaughter sa bubuuing pambansang koponan sa paglahok ng Sinag Pilipinas sa darating na 27th Southeast Asian Games sa Naypyitaw, Myanmar.
Inihayag ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) Executive Director Sonny Barios ang listahan ng mga napili sa Sinag Pilipinas at maging ang mga inimbitahang manlalaro upang iprisinta ang bansa sa kada dalawang taong torneo subalit hindi binanggit ang pangalan ng 7-foot na si Slaughter.
“As for the reason, we in the SBP is only concern on management and support to the team. With regards to the team’s composition, we leave the decision 101% to the coaching staff,” sinabi ni Barrios sa lingguhang Philippine Sportswriters Association sa Shakey’s Malate.
Pormal naman inilahad ni Barrios ang pagkakatalaga sa premyadong coach na si Joseph “Jong” Uichico bilang head coach ng Sinag Pilipinas kasama sina Nash Racela at Josh Reyes.
“Actually, we invited 19 names of which good as in na ang ating mga nasa cadet pool. There is one concern with regards to the players who are joining the PBA draft. Plano namin na makiusap sa kukuhang team na sana ay ipahiram muna nila kung pupuwede,” pahayag ni Barrios.
Maliban kay Marcus Douthit na orihinal na miyembro ng Gilas Pilipinas at isa sa magpapalakas sa Sinag Pilipinas, ang ibang nasa komposisyon ng koponan ay sina Jake at Kyle Pascual, Garvo Lanete, Kevin Louie Alas, RR Garcia, Matt Rosser Ganuelas, Kiefer Ravena, Terrence Romeo, Chris Newsome, Mark Belo at Roi Sumang.
Ang iba pang inimbitahan ay sina Christopher Banchero, Jericho Cruz, Kevin Ferrer, Bobby Ray Parks, Arnold Vanopstal, Raymond Almazan at Prince Caperal.
“I don’t know yet kung may naiisip pa na idagdag si coach Jong (Uichico) but that is the lineup we have submitted to the POC-PSC SEA Games Task Force,” giit pa ni Barrios – Angie Oredo
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment