Tatlong pulis ang kinasuhan ng robbery-extortion dahil sa panghihingi umano ng pera sa ina ng inaresto ng mga ito sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga sa General Santos City.
Naaresto sina Insp. Rafael Banggay at PO1 Alberto Alberto, habang nakatakas naman si PO2 George Jabat sa entrapment operation.
Nabatid na inireklamo ng isang Mercy Diola ang tatlong pulis dahil sa panghihingi umano ng P100,000 para hindi kasuhan ang anak na si Jim Diola, na naaresto dahil sa ilegal na droga.
Itinanggi ng mga pulis ang nasabing akusasyon. – Beth Camia
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment