Monday, October 28, 2013

SA SPRATLYS KUMAIN ANG GUSTONG MABUHAY

ito-ang-totoo-colored3 NAKAAAWA ang kalagayan ng mga sundalo ng Pilipinas sa mga teritoryo ng bansa sa West Philippines Sea na ninanakaw ng bansang Tsina.


Ito Ang Totoo: masasalamin sa artikulong “A Game of Shark and Minnow” ni Jeff Himmelman sa New York Times na may mga litrato at video na kuha ni Ashley Gilertson kamakailan lang, ang totoong kalagayan sa Spratlys.


Sentro ng artikulo ang walong Philippine Navymen na nakatalaga sa Ayungin Shoal na nakahimpil sa hindi na umaandar na kalawanging barkong Sierra Madre.


Sadyang isinadsad ng pamahalaan doon noong 1999 ang Sierra Madre na dating USS Harnett County ng Amerika na ginamit sa Vietnam at ibinigay sa Pilipinas noong 1976.


Nakapatong lang sa Shoal ang butas-butas na kalawanging Sierra Madre na iniikot-ikutan pa ng Cutter Ships ng Tsina, handang sumalakay anomang sandali kaya hindi na umano regular na nabibigyan ng supplies ang tumatao rito.


Isda, sariwa at dinaing, lagi ang pagkain ng tinubuan na ng balbas at bigoteng mga pamilyadong Philippine Navymen na sa harap ng lungkot at panganib sa kalikasan at kalaban, ipinintura nila sa kalawanging digding ng Sierra Madre ang kanilang “motto”: “Kumain Ang Gustong Mabuhay.”


Iilan lang ang talagang isla at may lupa sa Spratlys at ang Ayungin ay isa sa pawang batuhan at tubig lang.


Ang Pag-Asa Island na kahit papaano ay may lupang airport ay may kulang-kulang sa 300 residente, kapwa sibilyan at sundalo at pinakamalaki sa mga okupado ng bansang Pilipinas.


Noong 1994, matapos magluwag sa pagpapatrulya ang Pilipinas dahil may bagyo, nakapuwesto ang mga Intsik sa Mishief Reef, 20 nautical miles lang mula sa Ayungin, at mula noon ay may mga istraktura nang itinayo kung saan komportable at “secured” ang mga sundalo nila.


Ito Ang Totoo: sabi nga ng isang Intsik, parang gubat ang “expansion” ng Tsina, “…dahan-dahan pero kapag naroon na, hindi na aalis.”


Bukod sa mayaman sa lamang dagat, dahil sa laki ng posibleng langis at gas sa naturang teritoryo, baka ito ang daan para ang Pilipinas ay maging industriyalisado.


Pero papaano kung ang tagabantay ay iilan na nga ay buhay kawawa pa?


Tama na ang porma, seryosohin na ang pagharap sa problema. Ito Ang Totoo!


The post SA SPRATLYS KUMAIN ANG GUSTONG MABUHAY appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



SA SPRATLYS KUMAIN ANG GUSTONG MABUHAY


No comments:

Post a Comment