KUMPIRMADONG isang Pinay at apat iba pa ang namatay sa pagsalpok ng isang jeep sa Tiananmen Square, Beijing, China.
Nabatid na dahil sa lakas ng impact ng aksidente, kaagad na nasunog ang jeep.
Sa inilabas na statement ng Beijing police, maliban sa isang Pinay, kabilang din sa mga namatay ang driver at dalawang sakay ng jeep at isang lalaking Chinese.
Umaabot naman sa 38 katao ang sugatan na patuloy pang ginagamot sa pagamutan.
Ang Rostrum ay ang istruktura na nakatayo sa entrance mismo ng tinaguriang Forbidden City.
Ayon sa mga awtoridad, ipina-shutdown ang Tiananmen subway station kasunod ng insidente.
Samantala, agad namang ipinaalam ng gobyerno ng China sa gobyerno ng Pilipinas ang sinapit ng Pinay na hindi muna pinangalanan.
The post Pinay, 4 pa patay sa aksidente sa China appeared first on Remate.
.. Continue: Remate.ph (source)
No comments:
Post a Comment