Laro ngayon:
(Cuneta Astrodome)
7:15 p.m. Petron Blaze vs Rain or Shine
Hindi nasayang ang kanilang nakuhang unang bentahe sa kanilang serye, tatangkain ngayon ng Petron Blaze na makagawa ng kasaysayan sa muling pakikipagtuos sa Rain or Shine sa pagpapatuloy ng kanilang best-of-five semifinal series ng 2013 PBA Governors’ Cup sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Sa ganap na alas-7:15 ng gabi, tatargetin ng Boosters na hatakin ang naitalang winning streak sa labing-isang laro matapos na pantayan ang winning run na itinarak ng kanilang prangkisa nang makamit nila ang grand slam noong 1989.
“We can’t afford to lose the edge. We’ve got the series head start. We have to make good use of it,” pahayag ni Boosters rookie coach Gee Abanilla.
Ngunit hindi basta na lamang nila pahihintulutan ang Elasto Painters na tiyak na babawi upang maitabla ang serye matapos ang maganda nilang inlaro sa Game 1.
“We made it close and we had a chance to win it in the end. It’s also morale booster on our part,” paliwanag ni Guiao.
“Despite our limitations, though we’re missing Paul Lee and Jeff (Chan), we gave them a good fight. It proved that Petron Blaze is not unbeatable,” dagdag pa nito na tinutukoy ang wala pa sa kondisyong manlalaro ng Gilas Pilipinas na si Chan.
Gaya nang nauna nilang pagtutuos, muli na namang magpapasiklaban sina import Elijah Millsap para sa Boosters at dating Best Import awardee na si Arizona Reid ng Elasto Painters.
Ngunit sa dalawang banyagang manlalaro, inaasahang babalikwas upang makabawi ang huli na lubhang nasapawan ng una na umiskor ng 41 puntos at career-high 17 rebounds para pamunuan ang Petron Blaze sa pagkuha ng 1-0 series advantage.
Bukod kay Millsap, naging malaking sakit din sa ulo ng Elasto Pianters sina Alex Cabagnot at Junemar Fajardo na nagbato ng clutch baskets upang tulungan ang kanilang import sa payoff period.
Ito ang dapat solusyunan ng Rain or Shine upang makakuha ng mas magandang laro sa iba pa nilang players makaraang dalawa lamang sa kanila ang nagkapagbuslo ng double figure sa katauhan nina Reid at Chan na umiskor ng 28 at 18 puntos, ayon sa pagkakasunod. – Marivic Awitan
.. Continue: Balita.net.ph (source)
No comments:
Post a Comment