Tuesday, October 1, 2013

Petron nagtapyas ng P1.25/kilo sa LPG

Nagpatupad ng bigtime price rollback sa liquified petroleum gas (LPG) ang Petron Corporation kahapon ng madaling araw.


Epektibo 12:01 ng madaling araw nang tapyasan ng Petron ang presyo ng Gasul at Fiesta Gas ng P1.25 sa kada kilo o P13.75 sa bawat 11 kilo ng tangke ng LPG.



Sa ngayon, mabibili na ang regular na tangke ng Gasul sa P745 kasama na ang delivery charge mula sa dating P759.


Bukod dito, nagpatupad pa ang Petron ng bawas-presyo na 78 sentimos sa Xtend auto LPG na ginagamit ng maraming taxi.


Asahan ng mga consumer na susunod din ang ibang kumpanya sa price rollback sa cooking gas sa bagamat wala pang pormal na abiso ang mga ito.


Ang rollback ay bunga ng pagbaba ng presyuhan ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.


Noong Mayo ,1 huling nagpatupad ng bigtime price rollback ang Petron ng P2.40 sa LPG at P1.51 sa auto-LPG. Sinundan ito ng Total nang kaltasan ng P2 ang cooking gas nito. – Bella Gamotea


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Petron nagtapyas ng P1.25/kilo sa LPG


No comments:

Post a Comment