Wednesday, October 2, 2013

Dawn, nagtampo sa last taping day ng ‘BNLKM’?

SA isang showbiz event, tinanong kami ng TV reporter kung totoong nag-last taping day na ang Bukas Na Lang Kita Mamahalin. Dawn Zulueta Nagtampo raw kasi si Dawn Zulueta dahil pinag-last taping day na siya.



Nagulat kami sa tanong pero sinagot namin na matagal nang canned ang BNLKM na last year pa inumpisahang i-taping at istrikto nang sinusunod sa Dreamscape Entertainment na hanggang 13 weeks lang o isang season ang kanilang mga teleserye, at ang alam namin ay last taping day na nga noong Lunes.


Pero tinanong pa rin namin ang taga-Dreamscape tungkol dito.


“Huh? Last day na talaga namin kahapon (Lunes). ‘Yung buong show, finish na namin i-shoot,” sabi sa amin.


Walang binanggit sa amin tungkol sa pagtatampo raw ni Dawn sa set ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin. —Reggee Bonoan


.. Continue: Balita.net.ph (source)



Dawn, nagtampo sa last taping day ng ‘BNLKM’?


No comments:

Post a Comment