Saturday, October 12, 2013

PROGRAMA SA PABAHAY

ISA sa mga programa na patuloy na pinag-uukulan ng panahon ng pamahalaang panlalawigan ng Rizal bukod sa edukasyon, kalusugan at iba pa ay ang pabahay para sa mga kapos-palad at may kapansanan.


Sinimulan ang programa sa pabahay sa Rizal nang manungkulan si dating Gob. Jun Ynares lll. Sa pakikipagtulungan ng national government, mga pribadong sektor, NGOs na lokal at international at iba pang samahan na may puso sa mahihirap na pamilya.



Ayon kay Rizal Gob. Nini Ynares, umaabot na sa kabuuang 30,907 na housing unit ang naipagawa ng pamahalaan panglalawigan mula pa noong 2007 hanggang ngayong 2013. Ang pagtatayo ng mga housing unit ay bahagi ng socialized housing program ng probinsiya.


Sa statistics ng Housing and Resettlement Division (HRD) ng pamahalaan panglalawigan, ang proyekto sa pabahay sa pangangasiwa ng National Housing Authority (NHA), may 3,984 unit na ang naipagawa at inokupahan na. Ang target na itayo ay 6,794 housing unit. At ngayong 2013, may 2,034 unit ang naipagkaloob sa mga benipisyaryo ng programa sa pabahay mula sa lalawigan gayundin ang mga napinsala sa Pasig at Marikina City. Gayundin ang mapapalad na nakabilang sa proyekto ng “Gawad Kalinga” sa Tanay. Karamihan sa mga housing unit ay nasa Southville 9, Phase 2 sa Barangay Pinugay, Baras, Rizal. Kilala ito sa tawag na “Ynares Village”.


Noong 2010, sa administrasyon ni dating Gob. Jun Ynares lll, ang Kapitolyo kasama ang national government at mga pribadong sektor na kapartner sa programa sa pabahay, ay nakapagbigay na ng 16,000 housing unit sa mga naging biktima ng bagyong ‘Ondoy’ noong 2009. At noong 2011 hanggang 2012, ang programa sa pabahay ng Rizal sa pakikipagtulungan ng Presidential Commission for the Urban Poor ay may 1,434 unit ang naibigay naman sa mahihirap na pamilya sa lalawigan.


Ayon kay G. Dong Malonzo, OIC ng Housing and Resettlement Division (HRD) ng Rizal, target ni Rizal Gob. Nini Ynares sa programa sa pabahay ng probinsiya na makapagpatayo ng 15,000 housing unit sa loob ng tatlong taong panunungkulan ng butihin at masipag na ina ng lalawigan.


Itatayo ang mga housing unit sa Tanay, Montalban, Baras, Montalban at Teresa.


.. Continue: Balita.net.ph (source)



PROGRAMA SA PABAHAY


1 comment:

  1. Goodday po ask ko lang po kung paano po makaka pagfile po ng requirements para magkaroon po ako ng slot sa ngayon po kasi ay nangungupahan lang po ako kasama ng aking nanay na may sakit isa po akong private school teacher sana po ay masagot nyo po ang aking katanungan maraming salamat po

    ReplyDelete