Saturday, October 12, 2013

AFP, PNP joint force sa paghahanap kay Misuari

PATULOY ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagbibigay ng suporta sa paghahanap ng mga tracker team ng PNP kina MNLF founding chairman Nur Misuari at MNLF Commander Ustadz Habier Malik.


Kaugnay nito, biniberipika pa ng Philippine National Police ang impormasyong patay na at nasunog na ang labi ni Moro National Liberation Front (MNLF) Commander Ustad Javier Malik.


Ayon kay PNP Deputy Director-General Felipe Rojas Jr., palaisipan pa rin sa kanila ang tunay na kalagayan ni Malik dahil maraming impormasyong natatanggap ang PNP.


Dagdag pa ni Rojas, tila nililito ng MNLF ang gobyerno sa totoong kalagayan ni Malik.


Ayon kay AFP PIO Chief Ltc. Ramon Zagala, tutulong ang militar sa anumang posibleng paraan para maisilbi ang ipinalabas na warrant of arrest ng korte laban kina Misuari at Malik.


Sinabi ni Zagala na mayroon ng mga AFP units sa ground na organisado at handa na ayudahan ang paghahanap sa dalawang lider ng MNLF na nasa likod ng paglusob sa Zamboanga City. Nilinaw naman ni Zagala na ang PNP ang may mandato para ipatupad ang arrest warrant.


Tumanggi namang magkomento si Zagala hinggil sa napabalitang nakalabas na ng bansa si Misuari.


Giit ng opisyal na mas makabubuti kay Misuari na harapin na lamang sa korte ang mga kasong isinampa sa kaniya.


The post AFP, PNP joint force sa paghahanap kay Misuari appeared first on Remate.


.. Continue: Remate.ph (source)



AFP, PNP joint force sa paghahanap kay Misuari


No comments:

Post a Comment